Manila Mayor Isko Moreno, hindi pa sigurado kung sasabay sa pagpapabakuna kontra COVID-19 sa PGH ngayong araw

Hindi pa rin sigurado kung sasabay na mamaya si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga magpapabakuna kontra COVID-19 na gaganapin sa Philippine General Hospital (PGH).

Nabatid na wala pa rin sagot ang alkalde kahit pa kabilang siya sa mga opisyal ng pamahalaan na dadalo sa symbolic vaccination sa PGH.

Nabatid na ang nasabing programa na may temang “Resbakuna: Kasangga ng BIDA: Sama-Sama tayo sa BIDA BAKUNATION” ay uumpisahan na mamaya kung saan kabilang sa mga dadalo ay si Chief Implementer of the National Task Force against COVID-19 at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque.


Inaasahan din na makikiisa sa symbolic vaccination sina Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo at MMDA Chairman Benhur Abalos.

Kung maaalala una nang sinabi ni Mayor Isko na handa siyang unang magpabakuna kahit ano pa ang brand nito basta’t aprubado ng FDA para magkaroon ng kumpiyansa ang bawat Manileño na magpabakuna na rin.

Facebook Comments