Manila Mayor Isko Moreno, nanawagan sa mga deboto ng Itim na Nazareno na huwag nang magtungo sa Quiapo Church sa Traslacion 2021

Muling nanawagan si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno sa mga deboto ng itim na nazareno na huwag nang isa-alang alang ang kanilang buhay para makapunta sa Quiapo Church.

Ito ay kasunod ng nalalapit na pagdiriwang ng Traslacion sa Enero 9 kung saan una nang kinansela ang taunang prusisyon at ang pahalik.

Ayon kay Moreno, hangga’t maaari ay limitahan din ang pagtungo ng mga deboto sa simbahan sa araw mismo ng kapistahan.


Dagdag pa ng Alkalde, para sa hindi makakapasok sa loob ng Quiapo Church ay maari silang manatili sa kahabaan ng Villalobos, Carriedo, Hidalgo at Plaza Miranda para makapakinig ng misa.

Samantala, nagkaroon naman ng “Dungaw” ang imahe ng Itim na Nazareno para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan bago ito umalis ng Manila City Hall kanina.

Bukod kay Moreno, hiniling din ng Parish Priest ng Quiapo Church na si Monsignor Hernando Coronel na kung maaari ay magdasal na lamang sa kani-kanilang mga bahay sa araw ng kapistahan dahil sa banta ng virus.

Facebook Comments