PNP, tinatapos na ang inquest proceedings sa rape-slay case ng isang flight attendant

2140

Isusumite na ng Philippine National Police ang mga report ng medico legal at ng SOCO para makumpleto na ang inquest proceedings na ginagawa sa kaso ng panghahalay at pagpaslang sa isang flight attendant noong Enero 1.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Makati City Police Chief PCOL. Harold Depositar na pagkatapos nito ay malalaman na kung ano ang magiging desisyon sa kaso.


Sa ngayon aniya ay tatlo nang suspek ang hawak ng mga otoridad na sinampahan ng reklamong rape with homicide.

Lumalabas din sa imbestigasyon at sa kuha ng CCTV footage na unang kasama ng biktimang si Christine Dacera ang kaniyang mga kaibigan pero nagsama naman ang mga ito ng iba pa na hindi kilala ng biktima.

Dagdag pa ni Depositar, wala silang nakita na hinatak o pinilit ng mga suspek ang biktima na pumasok sa ibang kwarto pero makalipas aniya ang ilang sandali ay hindi na lumabas si Dacera.

Samantala, nag-alok na si ACT-CIS Party-List Rep. Eric Yap ng ₱100,000 bilang reward para agad na matunton ang 9 pang pinaghahahanap na suspek.



Facebook Comments