Manila Mayor Isko Moreno, nanguna sa four-way presidential survey ng Pulse Asia; Davao City Mayor Sara Duterte, pumangalawa!

3932

Nanguna si Manila Mayor Isko Moreno sa four-way presidential survey na ginawa ng Pulse Asia.

Batay sa survey, nakakuha si Mayor Isko ng 30% overall rating.

Sinundan naman ang alkalde ni Davao City Mayor Sara Duterte na mayroong 29%; Senator Manny Pacquiao (18%) at Senator Panfilo Lacson na may 13%.


Ang survey ay isinagawa mula September 6 hanggang 11, 2021.

Samantala, sa kaparehong survey din ay nanguna si Mayor Sara na mayroong 20% na sinundan ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, (15%) at Mayor Isko na may 13%.

Facebook Comments