Shady Instagram post ng Binibining Pilipinas, binatikos ng netizens

Pinuna ng ilang netizens ang tila ‘shady’ shared Instagram post ng Binibining Pilipinas page na may caption na ‘Natural women’.

Kasunod ito ng pagkapanalo ni Miss Universe- Philippines Cebu Beatrice Luigi Gomez sa katatapos lamang na pageant kung saan bukas ito sa publiko tungkol sa kaniyang gender identity bilang isang lesbian.

Say ng ilang netizen, dapat ipaliwanag ng pamunuan ng Binibining Pilipinas ang kanilang naging post.


Habang tinawag din na homophobic, sexist disgusting at misogynist ang caption ng nasabing facebook post.

Dahil sa naging pambabatikos, agad na inalis ng Binibining Pilipinas ang shared post.

Samantala, hinangaan naman ng netizens ang pagiging bukas ni Lopez sa kaniyang gender identity at sinabing deserving siya para sa korona.

Facebook Comments