Manila Mayor Isko Moreno, naniniwalang dapat isapubliko ng isang pulitiko ang kanilang SALN

637

Naniniwala si Manila Mayor Isko Moreno na dapat na maging bukas ng mga opisyal ng gobyerno na ipakita sa publiko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon kay Mayor Moreno, alinsunod sa sinasabi ng batas ay dapat na bukas ang mga opisyal na ipakita ito simula sa ibaba hanggang sa pinakamataas na posisyon.


Wala ring nakikitang problema si Domagoso sakaling maging bise presidente niya si Pangulong Rodrigo Duterte kung pareho silang mananalo sa halalan.

Noong 2017 huling inilabas ni Pangulong Duterte ang SALN nito sa pagdedeklara ng kaniyang net worth na aabot sa P28.5 million.

Sa kabila naman ng mga panawagan, hindi na ito nangyari nitong 2018 at 2019.

Facebook Comments