Dalawang Pinoy Mixed Martial Arts, parehong nagwagi sa kani-kanilang laban sa ONE Revolution

37

Pinatumba ng dalawang Pinoy Mixed Martial Arts na sina Lito Adiwang at Joshua Pacio ang kani-kanilang kalaban sa ONE Revolution sa Singapore Indoor Stadium kagabi.

Wagi si Adiwang kontra kay Hexigetu ng China para sa straw weight division habang napanatili naman ni Pacio ang straw weight belt matapos dominahin ang Japanese rival na si Yosuke Saruta sa unang round ng laro.

Dahil sa laban, napanatili ni Adiwang ang record na 13 panalo at 3 talo habang si Pacio ay mayroon nang 20 panalo at 3 talo.


Samantala, naniniwala naman ang pride ng Team Lakay na nag-improve ang record ni Pacio.

Facebook Comments