Manila Mayor Isko Moreno, umapela sa gobyerno na rebisahin at pag-aralan ang epekto ng face shield sa kalusugan at kaligtasan ng mga tao

Nagbigay ng apat na punto si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso hinggil sa apela niyang itigil na ang pagre-require ng “face shield policy” sa general population.

Ayon sa alkalde, bukod sa dagdag-gastos, dagdag-basura lamang din ito.

Giit pa ni Moreno, sa halip na makatulong, baka mas mapasama pa ang kalusugan ng nagsusuot nito lalo na ang mga senior citizen, may hika at cardiovascular pre-conditions.


Pero aniya, handa naman silang tumalima kung talagang mapapatunayan ng mga siyentipiko na kailangan talaga ang face shield bilang proteksyon.

“Kung pansamantala lang naman sa ospital e, dapat ‘yan magamit pa rin ng mga doktor bilang proteksyon,” ani Moreno sa interview ng RMN Manila.

“Ngayon, mababawasan na ng gastos, basura, mawawala na ‘yong discomfort ng tao, pero magma-mask pa rin tayo kahit bakuna na o hindi pa bakunado. ‘Yon ang aking punto d’yan.”

“Pero kung mapatunayan ng mahuhusay nating siyentipiko sa Pilipinas, e kailangan talaga ng face shield, susundin natin. Pero ang panawagan ko, siguro walang masama, rebisahin, pag-aralan ng siyentipiko ang epekto ng face shield.”

Facebook Comments