Manila Mayor Isko Moreno winasak ang isang makeshift barangay hall sa Binondo

Image via Facebook/Manila Public Information Office

Pinangunahan mismo ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang paggiba ng  makeshift barangay hall na itinayo sa likod ng estatwa ni Ramon Ongpin sa Binondo, Maynila nitong Biyernes.

Aniya, kalapastangan sa bayani ang pagtayo ng sinirang outpost na matatagpuan sa gilid ng Binondo Church.

“Huwag niyong bababuyin ang estatwa ng bayani, tinanggal ko na ang illegal terminal sa Lawton kawawa naman si Andres Bonifacio,” giit ni Moreno.


Dagdag pa ng alkalde, dapat inaalagaan ang mga cultural sites na nagsisilbing alaala sa kabutihan at katapangan ipinamalas ng mga bayani para sa siyudad at bansa.

Sinabi din ni Moreno kay Chairman Nelson Ty ng Brgy. 289 Zone 27 na nararapat lamang alisin ang makeshift barangay hall dahil sagabal ito sa kalye.

Hinatak rin ang nakaharang na trak ng bumbero sa lugar.

Samantala, todo suporta si Fr. Andrei Ortega Lim mula sa Binondo Church sa mga platapormang sinusulong ni Moreno para bumalik ang kalinisan at kapayapaan sa buong lungsod.

Facebook Comments