Manila Mayor Moreno, stable na; Vice Mayor Lacuna, makakalabas na ng pagamutan

Inihayag ng pamunuan ng Sta. Ana Hospital na nasa stable na ang kalagayan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso makaraang magpositibo sa COVID-19.

Base sa Medical Bulletin hinggil sa kalagayan ni Mayor Isko na pinalabas ni Dr. Grace Padilla ng Sta. Ana Hospital, alas-8 kagabi, stable na ang vital signs ng alkalde na nakararanas ng sakit sa katawan, normal naman ang kaniyang CT scan, CBC at urinalysis.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagtatrabaho ng alkalde kahit nasa pagamutan.


Habang patuloy naman ang paggaling ni Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at maaari na lumabas ng pagamutan sa Huwebes.

Facebook Comments