Manila Med, maglulungsad ng Women-Friendly Environment sa mga working stations sa bansa

Manila, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng Women's Month, isinusulong ngayon ng Manila Med ang pagkakaroon ng Women- Friendly Environment sa mga working station sa bansa.

 

Ayon kay Dr. Lorna Catherine Raymundo, chairman ng Obstetrics at Gynecology sa naturang ospital, napapanahon na upang bigyan ng pansin ang occupational health ng mga kababaihan lalo't 44 na porsyento aniya ng labor force sa bansa ay binubuo ng mga babae.

 

Inihalimbawa ng doktora ang mga kababaihan na nagtatrabaho sa opisina na palaging nakaharap sa mga computers, makatutulong aniya kung uumpisahan na ng mga kumpaniya ang pagkakaroon ng mga kumportableng upuan at keyboard lalo't prone sa lower back pain ang kababaihan.

 

Dagdag pa ni Raymundo, dahil sa bilis ng urbanisasyopn sa kasalukuyan, mas kailangang ng kumilos ng gobyerno at mga employer upang masolusyunan ang iba pang occupational health issues na kinakaharap ng mga kababaihan.


Facebook Comments