Dalawang lanes ng Barkadahan Bridge sa C-6, minamadali ng tapusin ng DPWH

Manila, Philippines – Minamadali na ng Department of Public Works and Highways ang pagtapos ng dalawa pang lanes ng Barkadahan Bridge sa C-6.

 

 

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, malaki ang maitutulong sa pagpapaluwag ng trapiko sa EDSA at C-5 sa oras na matapos ang pagpapalawak sa Barkadahan Bridge.

 

 

Ayon sa kalihim, layon ng proyektong ito na magsilbing alternatibong ruta para sa mga motorista sa Metro Manila.

 

 

Makatutulong rin aniya ang Barkahan Bridge sa pagpapababa ng travel time sa mga magmumula sa Taytay patungong Bicutan.

 

 

Nakatakda namang buksan ang naturang mga lanes sa Buwan ng Hulyo ngayong taon.



Facebook Comments