Hinihikayat ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) ang publko na dumalaw na sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay bago pa man ang pansamantalang pasgsasara nito.
Alinsunod ito sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isara pansamantala ang mga sementeryo at kolumbaryo sa darating na Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4 para maging ligtas ang publiko sa banta ng COVID-19 virus.
Ayon kay MNC Director Roselle delos Reyes, kinakailangan sumunod pa rin ang mga dadalaw sa minimum health protocols.
Ipinagbabawal pa rin ng MNC ang 20 years old pababa at senior citizens pati na rin ang pagdadala ng alak, gamit sa sugal at maiingay na mga bagay tulad ng speakers.
Facebook Comments