Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Manila Police District sa publiko ng ibayong pag-iingat para sa mga magbabakasyon ngayong Semana Santa.
Ayon kay MPD Dir. Chief Supt. Joel Coronel, bukod sa limang libong pulis na kanilang ipakakalat para sa seguridad sa lungsod, magkakaroon rin sila ng mga police assistance desk sa mga strategic place para mas madali nilang maalalayan ang publiko.
Mamimigay rin aniya sila ng mga leaflets na naglalaman ng mga safety tips para lalong maging vigilante ang publiko.
Ayon kay coronel, malaking tulong rin kung iiwasan ng publiko ang pagsusuot ng mga alahas at pagdadala ng mga mamahaling gadgets para ‘di maging target ng mga kawatan.
Nation”
Facebook Comments