Manila, Philippines – Itinaas na sa full alert status ang pwersa ng Manila Police District hanggang matapos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Ayon kay MPD Dist. Dir. C/Supt Joel Coronel, lalong pinalakas ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Nationa Intelligence Coordinating Agency o NICA sa PNP Intelligence Group at sa Intelligence Service ng AFP upang mamonitor ang banta ng mga teroristang grupo.
Titiyakin ng MPD na mabibigyan ng sapat na seguridad ang may 22 world leaders kabilang si US President Donald Trump kung saan 70 porsyento ng pwersa ng MPD o katumbas ng 2,500 pulis ang nakatalada sa security at counter intelligence operations.
Dagdag pa ni Coronel na nagdagdag pa siya ng mga checkpoint at pinalakas ang pagpatrolya sa mga matataong lugar gaya ng LRT, mall, at palengke at vital installations sa lungsod.