Manila RTC pag-aaralan ang apela ng PAO para mapalaya ang isang petitioner na ikinulong ng walang anumang kaso

Masusing pag-aaralan ng  Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 10 ang apela ng Public Attorney’s Office (PAO) upang mapalaya ang isang petitioners na halos tatlong taon nang nakakulong  sa immigration jail sa Bicutan.

Una nang hiniling sa Motion for Reconsideration ni PAO Chief Persida Acosta na bawiin ni Judge Danilo Leyba ang naunang desisyon na nagbabasura sa Petition for Habeas Corpus para makalabas ng piitan si Walter Manuel F. Prescott.

Ang petitioner na isang dating US at Filipino citizen ay inireklamo sa Bureau of Immigration (BI) ng kanyang dating asawa noong taong 2016.


Dahil dito kinansela ang lahat ng kanyang mga dokumento na nagresulta upang ideklara siyang illegal alien.

Gayunman, tinalikuran na ng petitioner ang kanyang pagiging US citizen at nanumpa bilang isang Pilipino.

Subalit sa kabila nito ay ayaw pa rin palayain sa pagkakakulong sa kabila ng wala naman itong kahit anumang kaso.

Busisihin ngayon ng Manila RTC kung mayroong basehan ang kahilingan ng petitioner.

Facebook Comments