Manila Social Welfare Office, sasagipin ang mga taong lansangan sa gitna ng panahon ng tag init

Manila, Philippines – Ikinasa ng Manila City Social Welfare Office ang operasyon para sagipin ang mga bata at pamilyang nakatira sa mga lansangan ngayong napakatindi ng init ng panahon na nararanasan sa Kamaynilaan.
 
Ayon kay Naneth Tanyag,hepe ng Manila Department of Social Welfare Office, bukod sa panganib sa matinding init , kailangan masagip ang mga pamilyang nasa lansangan mula sa karahasan,pang-aabuso  at panganib na maaksidente.
 
Binuo na ang Task Force Reach-Out para sa isasagawang pagsagip katuwang ang MMDA,PNR at PNP.
 
Sa pagtaya ng MDSW, nasa 3,000 hanggang 4,000 mga nakatira sa lansangan sa iba’t iban parte ng lungsod ng Maynila ang kailangang sagipin.
 
Dadalhin sila sa Manila Boys Town at ang mga gustong umuwi sa probinsya ay kanilang tutulungan na maikuha ng ticket.
 
Simula noog Pebrero nasa 700 na ang nasagip ng MDSW.
 
Ang malawakang pagsagip sa mga taong lansangan ay kasunod ng kautusan ni Mayor Joseph Estrada na zero street dweeler sa Maynila.


Facebook Comments