Dumipensa ang Manila Water sa inilabas na showcause order na inilabas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay ng mahigit 400 na reklamo ng mga consumers.
Nabatid na kabilang sa dapat ipaliwanag ng Manila Waters ay ang hindi pagberipika sa concession patterns ng mga customers, mga iregularidad at pag-hold sa statement of accounts kaugnay sa biglaang pagtaas sa singil sa konsumo sa tubig.
Ayon sa Manila Water, maliit na porsyento lamang ng kanilang mga kustomer ang nagreklamo sa mga natanggap nitong water bill.
Anila, mula June 1 hanggang July 27 ay 7 percent lamang ang reklamong kanilang naitala mula sa 73,588 kustomer sa isang milyon nilang miyembro.
Sumusunod din sila guidelines na inilabas ng MWSS-RO mula pa noong nagsimula ang lockdown.