Manila Water, hihingi ng ‘surplus’ na tubig mula sa Maynilad

Nakikipag-usap na ang Manila Water sa Maynilad para makakuha ng pansamantalang suplay ng tubig sa harap ng nararanasang krisis sa tubig sa iba’t-ibang lugar na kanilang siniserbisyuhan sa Mega Metro Manila.

 

Ayon kay Manila Water Chief Operating Officer Geodino Carpio, Ito ang isa lamang sa kagyat na solusyong naiisip ng Manila Water para maibsan ang malaking demand ng tubig.

 

Sabi ni Carpio nangyari na rin ito noong 2010 kung saan sila naman ang nagbigay ng sobrang suplay sa Maynilad.


 

32 million liters per day ang hinihingi ng Manila Water sa Maynilad.

 

Umaasa si Carpio na mapagbibigyan sila ng Maynilad ngayong Linggong ito.

 

Pero ngayon pa lang ay inamin na ni Carpio na hindi pa magiging normal ang supply ng tubig sa  buong summer season.

 

Ito ay sa kabila ng maari nang mag-operate ngayong buwan ng Marso ang Cardona water treatment plant na itinayo ng Manila Water sa Cardona Rizal.

 

31-MLD ang kayang idagdag nito sa supply ng tubig ngayong marso, tataas ng 50-MLD sa katapusan ng buwan habang tataas ito ng 100-MLD sa buwan ng Agosto.

 

Sa talaan ng Manila Water nasa 1.6m liters per day ang suplay na nakukuha mula sa Angat Dam.

 

Habang 1.7-MLD ang demand ng tubig ng mga consumer ng Manila Water.

Facebook Comments