Itinanggi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na ipinag utos nito na isara ang Lamesa Dam bypass upang makakuha ng tubig ang Manila water.
Sa pulong balitaan, sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty na hindi nila maaring isara ang bypass dahil ito ang ginagamit upang serbisyuhan ang kanilang mga custumer.
Mula Angat dam, ang suplay ng tubig ay dadaan sa isang aqeaduct saka dadaloy sa portal patungo sa bypass at didiretso sa Manila Water.
Sa naturang bypass kumukuha ng nasa 1,600 mini liters per day na suplay ng tubig mula Angat.
Nilinaw ni Ty na hindi ang MWSS kundi ang Maynilad at Manila water ang may kontrol sa naturang bypass .
Itinanggi rin ng MWSS na gobyerno ang lumikha ng water problem upang makakuha ng suporta sa pagtatayo ng Kaliwa Dam
Aniya, nakahanda na sanang magpaliwanag sa publiko pero naging sunod sunod na ang atake ng mga trolls sa pamamgitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon.
Nakikipagtulungan na aniya ang MWSS sa Manila Water para solusyunan ang kawalan ng suplay ng tubig sa Mega Metro Manila.