PNP nilinaw na wala pang hawak na suspek o person of interest sa karumaldumal na pagpatay sa isang 16 anyos na dalagita sa Cebu

94

Nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police na wala pa silang hawak na suspek o person of interest sa karumaldumal na pagpatay sa disi-sais anyos na dalagita sa Lapu- lapu City Cebu.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Sr. Supt Bernard Banac tanging mga impormayson pa lamang ng suspek ang hawak ngayon ng PNP Region 7 partikular ng binuong Special Investigation Task Group.

Aniya ang mga impormasyong ito ay nakuha sa cellphone ng kamag anak ng biktima na ginamit nito bago nangyari ang krimen.

Iniimbestigahan na ngayon ang naging ka-text ng biktima habang batay aniya sa Autopsy sa bangkay ng dalagita lumalabas na hindi ginahasa ang dalagita ng suspek.

Maari ayon kay Sr. Supt. Banac  na  psychological maniac ang suspek, dahil may mga ganito na aniyang insidente kung saan may mga kriminal na nakakagawa ng ganitong krimen dahil sa pagiging psychological maniac.

Sa ngayon ay nakatututok ang binuong SITG sa kaso lalot ipinagutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang manhunt operation laban sa suspek.

At mayroon na ring dalawang milyong pabuya na inilaan ang provincial government ng Cebu para sa makapagtuturo sa suspek.

Matatandaang nitong nakalipas na araw ng Lunes ay nakita na lamang ang bangkay ng dalagita sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay barangay Bangkal Lapu Lapu City Cebu, wala nang saplot sa pang ibaba at binalatan ang kalahating bahagi ng kanyang mukha.

Facebook Comments