Manila water, itinanggi na isinara ang Manila bypass o water portal sa Angat Dam

490

Itinanggi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na ipinag utos nito na isara ang Lamesa Dam bypass upang makakuha ng tubig ang Manila water.

 

Sa pulong balitaan, sinabi ni  MWSS Chief Regulator Patrick Ty na hindi nila maaring isara ang   bypass dahil ito ang ginagamit upang serbisyuhan ang kanilang mga custumer.

 

Mula Angat dam, ang suplay ng tubig ay dadaan sa isang  aqeaduct saka dadaloy  sa portal patungo sa bypass at didiretso sa  Manila Water.

 

Sa naturang bypass  kumukuha ng nasa 1,600 mini liters per day  na suplay ng tubig mula Angat.

 

Nilinaw ni Ty na hindi ang MWSS kundi ang  Maynilad at Manila water ang  may kontrol sa naturang bypass .

 

Itinanggi rin ng MWSS na gobyerno ang lumikha ng water problem upang makakuha ng suporta sa pagtatayo ng Kaliwa Dam

 

Aniya, nakahanda na sanang magpaliwanag sa publiko pero naging sunod sunod na ang atake ng mga  trolls sa pamamgitan ng pagpapakalat  ng maling impormasyon.

 

Nakikipagtulungan na aniya ang MWSS sa Manila Water para solusyunan ang kawalan  ng  suplay ng tubig sa Mega Metro Manila.

Facebook Comments