Manila Water, nagpadala ng 30 water tankers sa mga evacuation center sa Batangas

Nagpadala ang Manila Water ng nasa tatlumpong water tankers sa Laguna at Batangas upang maayudahan ang mga evacuation centers partikular sa Bolbok Provincial Sports Complex, Tanauan, at Santo Tomas kung saan marami ang mga lumikas.

Nakipag ugnayan rin ang Manila Water sa pamamagitan ng kanilang Manila Water Foundation sa PDRRMO ng Batangas upang mapadali ang pagpapadala at pamamahagi ng tubig sa mga labis na naperwisyo sa sitwasyon.

Nagpapadala rin ang Manila Water ng paunang 10,0000 galon ng maiinom na tubig para sa mga evacuees.


Ito ay bahagi ng ginagawang pakikipag-tulungan ng Ayala Group sa mga local government units ng Laguna at Batangas upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang apektadong residente.

Una nang  binuksan ng ayala ang lahat ng Ayala Malls dito sa Metro Manila at CALABARZON para sa mga taong napinsala ng ashfall.

Noong January 13, nai-extend na rin ang mall ng libreng overnight parking at libeng wifi connection.

Bukas din para sa mga taga-Nuvali ang ground floor ng cinema building ng Ayala Malls Solenad para sa mga nais mag-charge ng kanilang mga telepono, flashlight, o ng kung ano pa man at lumikas.

Facebook Comments