PNP binalaan ang mga nagbebenta ng overpriced face mask

20

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga negosyante na nagbebenta ng overpriced face mask na kanilang aarestuhin at mahaharap sa kaso.

Ginawa ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac sa harap ng patuloy na pagbuga ng abo ng bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas at pagmahal ng presyo ng face mask.


Sa report umabot na sa 200 isa ang N95 mask na dati ay may presyo lamang na 25 hanggang 30 pesos isa.

Panawagan ni Banac sa publiko ireport sa pulis ang sinumang mahuhuling nagbebenta ng overpriced face mask para agad na marespondihan ng PNP.

Aniya mahaharap sa paglabag sa RA 7581 o the Price Act ang sinumang mapapatunayang nagbebenta ng overpriced face mask.

Sa ngayon wala pang naaresto ang PNP na nagbebenta ng overpriced face mask.

Facebook Comments