Manila Water nagpaliwanag sa kontrobersyal na ‘780 percent’ increase

Ang 780-percent na sinasabing increase sa singil ng tubig ay ang posibleng gagastusin lamang ng Manila Water sa sandaling matapos na ang pagpapatayo ng wastewater facilities.

Ito ang paglilinaw ng water concessionaire kasunod ng lumalabas na balitang magtataas ng 780-percent ang singil ng Manila Water.

Sa official statement, iginiit ng Manila Water na hindi nila kailanman sinabing ipapasa nila ito sa kanilang mga consumer.


Sabi ng Manila Water, ito ay nakapaloob lamang sa inihain nilang Motion for Reconsideration sa Korte Suprema.

Paliwanag ng water concessionaire, nakatakdang sundin ng Manila Water ang Supreme Court mandamus na tapusin ang lahat ng mga proyekto sa wastewater hanggang taong 2037.

Facebook Comments