Hindi na rin magpapatupad ang Manila Water ng water hike sa susunod na taon.
Sinabi ni Jeric Sevilla, Information Officer ng Manila Water, ipagpapaliban na rin nila ang dagdag singil upang makatulong sa paghihirap na nararanasan ng publiko dahil sa pandemya.
Dalawang piso sana ang ipatutupad nilang dagdag singil sa susunod na taon ngunit hindi na nila ito itutuloy.
Una nang inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang kanilang petisyon na dagdag singil para sa consumer price index.
Ang mga lugar na nasa Eastern portion ng Metro Manila tulad ng Mandaluyong City, San Juan City, Pasig City, Marikina City at Rizal Province ang mga siniserbisyuhan ng Manila Water.
Kahapon, unang inanunsyo ng Maynilad ang pagpapaliban din ng rate hike nila sa susunod na taon.