Household staff na minaltrato ni Ambassador Mauro, tutulungan ng DOLE

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay sila ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng tulong sa household staff na sinasabing minaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay bagama’t hindi maituturing na isang Overseas Filipino Worker o OFW ang naturang kasambahay ni Mauro.

Sa virtual news forum ng DOLE, ipinaliwanag ni Bello na iba ang naging proseso ng employment ng household staff ni Mauro.


Kinumpirma rin ni Bello na nagkausap na sila ng nasabing kasambahay na nasa Koronadal ngayon.

Maayos naman aniya ang kondisyon nito at nasa “good mood” ito ng sila ay magkausap kanina.

Facebook Comments