Manila Water, tiniyak na sinosolusyunan ang water shortage sa Metro Manila

Tiniyak ng Manila Water na ginagawa nila ang lahat para masolusyunan ang kakulangan ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Manila Water Spokesman Jeric Sevilla, operational na ang ilan nilang deep well at balak pa itong dagdagan.

Bukod rito, inilunsad na rin aniya nila ang Rizal Province Water Supply Improvement Project.


Aniya, sa pamamagitan nito, kukuha sila ng tubig sa Laguna de Bay kung saan inaasahang aabot 50 milyong litro ng tubig ang madagdag sa supply ng Manila Water.

Facebook Comments