Manila Water, wala nang taas singil sa tubig sa Enero 2020; Maynilad, pag-aaralan na rin ang no water rate increase

Inanunsyo ng Manila Water na hindi na muna sila magpapatupad ng dagdag singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sinabi ni Manila Water Co. Inc. President and CEO Mr. Jose Almendras na wala muna silang ipapatupad na water rate increase.

Ito ay kaugnay sa 780% water rate increase na multa ng Korte Suprema sa Manila Water dahil sa paglabag sa Philippine Clean Water Act.


Bukod dito, hindi na rin sisingilin ng Manila Water ang pamahalaan ng P7.4 billion na arbitral ruling ng Singapore Permanent Court of Arbitration dahil sa hindi pagpayag ng pamahalaan na magtaas ng singil sa tubig.

Samantala, pag-aaralan naman ni Maynilad President and CEO Mr. Ramoncito Fernandez na hindi na rin magtaas ng singil sa tubig ang Maynilad sa Enero din ng susunod na taon.

Tulad sa Manila Water, hindi na rin sisingilin ng Maynilad ang P3.4 billion arbitration ruling ng Singapore sa pamahalaan.

Nakahanda naman ang Manila Water at Maynilad na tumulong sa pamahalaan para i-review ang concession agreement at ayusin iba pang isyu na kanilang kinakaharap.

Facebook Comments