VIRAL: Pagdukot sa isang babae sa Makati City, nakunan ng camera

3414
Screengrab of actual kidnapping at Makati City | Contributed Video

Sapul sa camera ang pagdukot sa isang babaeng Chinese sa gilid ng kalye sa Makati City, Lunes ng gabi.

Sa viral video, puwersahang isinakay sa gray na van ang biktima na nakahinto sa Paseo de Roxas, malapit sa Perea Street, bandang alas-9 ng gabi.


Maririnig na sumisigaw ng tulong ang babae sa loob ng getaway vehicle.

(BABALA: SENSITIBONG VIDEO)

Kita din sa footage na bukas ang pinto ng sasakyan at nakalabas pa ang paa habang humarurot ang van palayo sa lugar.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Makati Police na empleyado sa isang Philippine offshore gaming operators (Pogo) firm ang dinukot na Chinese.

Natunton din ng awtoridad ang tirahan ng biktima, batay sa mga dokumentong narekober sa crime scene.

Ayon sa pulisya, maaring kilala ng dayuhan ang mga lalaking lulan ng van. Agad naman nakipagugnayan sa kanila ang mga kaanak ng biktima.

Nahanap din ng operatiba ang plakang nakita sa kotse, subalit nakarehistro ito sa isang L300 van na walang record sa mga kinauukulan.

Patuloy pa rin ang paghahanap sa babaeng tinangay at pagtugis sa mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers