Manipis na suplay ng kuryente sa Luzon, dapat aksyunan agad ng DOE

Pinapasolusyunan ni Senator Christopher “Bong” Go kay Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon na posibleng magresulta sa rotational brownouts.

Ayon kay Go, kakausapin din niya hinggil dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi umano dapat mag-brownout sa kasalukuyang panahon na nagpapatuloy ang pagbabakuna laban sa COVID-19.


Maaaring may masirang bakuna na pinaghirapan ng bansa na makuha para maproteksyunan ang mga Pilipino laban sa virus.

Kaugnay nito ay pinapatiyak ni Go sa mga concerned cooperatives, sa lahat ng mga lokal na pamahalaan at lahat ng power providers na maging handa upang matiyak na walang masisirang bakuna.

Facebook Comments