Manlalaro mula sa Baguio City kinubra ang P62.7 milyon na panalo sa Mega Lotto 6/45

Atty. Lauro A. Patiag, Assistant General Manager Branch Operations Sector habang iniaabot ang tseke sa bagong milyonaryo ng 6/45 Mega Lotto.

Mandaluyong City. Isang manlalaro na taga Baguio City ang nagtungo sa PCSO noong ika-15 ng Marso upang kuhanin ang kanyang napanalunang P62,756,225.80 Jackpot Prize sa Mega Lotto 6/45 na binola noong ika-18 ng Pebrero, 2022 na may kumbinasyon na 04-06-16-29-30-31.

Sa aming panayam, nabanggit ng nagwagi na 18 taon na niyang tinatayaan ang nanalong kumbinasyon. Aniya ang mga numero ay malinaw niyang nakita sa kanyang panaginip at mula noon hindi na niya ito nakalimutan.

Nang tanungin kung ano ang kanyang plano sa nakuhang premyo, ang kanyang tugon ay, “Mag iinvest ako sa isang maliit na property.” Ayon sa kanyang paniniwala, ang kanyang napanulan ay may kaakibat na isang malaking responsibilidad. Ito ay hindi lamang tulong sa kanyang sarili kundi para din sa ibang tao na nais nyang bahaginan ng kanyang napanalunan.


Tulad ng paniniwala ng nagwagi sa ang kanyang pagkapanalo ay isang kasangkapan para gumawa ng mabuti, ang PCSO ay isa ring kasangkapan na nagbibigay ng pag-asa at tuwa sa kababayan nating Pilipino. Ito ay nagbibigay ng pag-asa sa mga taong may medikal na pangangailangan. Ito din ay nagbibigay tuwa sa mga manlalaro na nagwagi at nawalan ng pasanin sa pangangailangang pinansyal.

Facebook Comments