“MANLILINLANG” | Mga kritiko ng TRAIN Law, inupakan ni LTFRB Executive Dir. Jardin

Manila, Philippines – Tinawag na manlilinlang ni LTFRB Executive Director Samuel Jardin ang mga patuloy na umuupak sa Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ayon kay Jardin, sa katunayan isang social welfare tax ang TRAIN Law.

Maliban sa ginawang progressive ang tax system at napopondohan na ang mga malalaking infrastructure projects at free tuition fee, nakikinabang ang mga bulnerableng sektor ng lipunan sa cash incentives provision nito.


Inihalimbawa ni Jardin ang 79,000 na Public Utility Jeepney (PUJ) Operators na nakikinabang na sa 5000 fuel voucher program ng DOTr.

Aniya, hindi dahil sa TRAIN Law ang hindi pangkaraniwang sitwasyon sa antas pang ekonomiya.

Malaki aniya ang epekto ng tensyong pampulitika sa mga oil producing countries sa mundo.

Facebook Comments