Manila, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang lalaking nagpapakilalang kamag-anak ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabing founder ng Peoples’ Congress para makapangotong. Kinilala ang naarestong suspek na si Jose Matias alyas Jose Roa Matias II, 57 anyos. Ayon kay PNP CIDG Chief Police Director Rouel Obusan, naaresto ito sa isinagawang entrapment operation ng kanyang mga tauhan sa Deva Cruz resort, Sta Felomina, San Pablo City Laguna nitong ika-8 ng Marso taong kasalukuyan. Naaresto ito matapos na magreklamo ang isang Ronaldo Gatdula, sa reklamo nito nagpakilalang abogado ang suspek sa kanya at sinabing founder ng People’s Congress. Aniya ni-recruit sya ni Matias noong May 2017 sa pangako nitong magiging Barangay Captain sa Panginay Balagtas, Bulacan sa pamamagitan ng endorsement mula sa Office of Special Assistant to the President (OSAP). Inimbitahan rin daw siya ng suspek na dumalo ng People’s Congress meeting sa Pampanga at dito na sya hiningian ng suspek ng 75,000 pesos upang masigurado ang kanyang appointment. Pagkatapos nyang magbayad ay hindi na nagparamdam pa ang suspek. Pero nitong nakalipas na ika-7 ng Marso nang taong kasalukuyan muling kinontak ng suspek ang biktima at nanghihingi ng karagdagang 5,000 piso para raw sa processing sa pag-ieendorso sa OSAP sa Malacanang. Iniutos pa ng suspek na dalhin ang pera sa resort kung saan siya naaresto pero dahil nagduda na ang biktima sa mga kilos ng suspek at matutuloy na ang Barangay election sa darating na Mayo kaya malabo na ang kanyang appointment agad na siyang nakipag-ugnayan sa CIDG. Sa entrapment operation, narekober sa suspek ang ilang resibo ng Equipment and Mission Order ng Philippine Army, mga identificaiton card nito at LTO driver’s license. Sa ngayon, nahaharap ang suspek sa mga kasong Swindling/Estafa, Usurpation of Authority or Official Function, at Alarm scandal.
MANLOLOKO | Lalaki na nagpapangap na kamag-anak ni Pangulong Duterte, arestado!
Facebook Comments