Puwedeng gamitin bilang pangngalan, pang-uri, at pandiwa — basta’t iisa lang ang kahulugan: scam, traydor, o manloloko.
Ganito inilarawan ng Urban Dictionary ang salitang “duterte” na hango sa pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Para lubusang maunawaan ang gamit nito, narito ang halimbawa na ibinigay ng UD:
TAGALOG
:Inidorong isang gamitan lang, sira na?! Naduterte ako.
:Made in China ‘yan. Malamang duterte ‘yan.
ENGLISH
:My miracle oil will cure all your illness and solve all your problems. Believe me, this is not a duterte.
:I trusted you! Why did you duterte me?!
Hulyo ngayong taon nang isang netizen ang nagsumite ng salitang “Duterte” sa UD.
Isang crowdsourced online dictionary ang UD kaya’t sinuman ay puwedeng magsumite ng bagong salita.
Wala ring striktong patakaran sa pagbibigay ng kahulugan dito.
Layon ng UD na bigyang-kahulugan ang mga makabagong salita o slang na ginagamit sa internet.