Cordon, Isabela – Masaya at naging maayos ang una at pangalawang araw ng Mannalon Festival sa Cordon Isabela.Ito ang pahayag ni ginoong Ison Villador, ang Information Officer ng local na pamahalaan ng bayan ng Cordon Isabela.
Aniya sa unang araw ng kapistahan ay nagkaroon ng libreng medical, libreng check-up sa mata at sa ngipin para sa lahat ng residente ng Cordon kung saan ay bahagi ito sa mga proyekto ni Isabela 1st District Representative Rodito Albano III.
Nakamit naman umano ang limang daang bilang ng mga nabigyan ng libreng salamin dahil karamihan sa mga dumalo ay may diperensya sa mata.
Ang libreng salamin at iba pang kinailangan sa Medical Mission ay sa tulong nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III at Vice-mayor Antonio “Tonypet” Albano, Department of Health ng Isabela Provincial Government, LGU Cordon at iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Ngayong araw ay isinagawa ang grand parade ng mga produkto ng magsasaka at mamayang gabi ay ang Search for Miss Mannalon Night at Awarding Night.
Samantala bukas ng gabi ay magkakaroon ng isang konsyerto ng mga kilalang artista ng bansa na magbibigay aliw sa lahat ng mamamayan ng Cordon.