Manny Pacquiao, inaalay ang kaniyang magiging laban sa mga kababayan nito sa Mindanao

Manila, Philippines – Nagpakitang gilas ang pambasang kamao na si Manny Pacquiao sa ginawa nitong sparring session kahapon sa General Santos City.

Nabatid kasi na parang hindi nagbago ang bilis at lakas ng suntok ni Pacquiao kung kaya’t napadugo nito ang bibig ng sparring partner na si Sonny Katiandagho ng Benguet.

Napabilib din ang buong miyembro ng team Pacquiao dahil hindi ito napagod kung saan sumunod na nakaharap nito ang Mexican na si Adrian Young at Australian boxer na si George Kambosos.


Ayon naman kay Pacquiao, bagamat marami ang nagsasabi na pera-pera na lang ang laban kaniya pa rin anman daw itong iaalay sa mga kababayan partikular sa mga taga-Mindanao.

Asahan naman daw ang naiibang Manny Pacquiao sa darating na July 2 fight at hindi daw nito bibiguin ang kaniyang mga fans.

DZXL558

Facebook Comments