Manny Pacquiao, maagang sumabak sa training ngayong araw

20

Manila, Philippines – Maagang sumabak sa training si pambansang kamao Manny Pacquiao ngayong araw sa acharon sports complex sa General Santos City.

Kasama ni Pacquiao sa kaniyang morning run ang buong miyembro ng team nito maging ang asawang si Jinkee.

Ayon kay Conditioning Coach Justin Fortune, nasa 95 percent nang ready si Pacquiao para sa paghaharap nila ni Jeff Horn sa July 2.

Sa June 24 naman nakatakdang umalis si Pacquiao patungong Brisbane, Australia para may isang linggo pa na paghahanda bago ang nasabing laban.

Facebook Comments