Manny Pacquiao, nasa 80 percent ng kondisyon ilang linggo bago ang laban kay Jeff Horn

Manila, Philippines – Nasa 80 percent na ang kondisyon ni eight Division World Champion Manny Pacquiao para sa nakatakdang laban kay Jeff Horn sa Hulyo 2.
Ayon kay Coach Freddie Roach, maganda ang kaniyang kondisyon at maganda rin ang lugar kung saan nagagawa nitong makapag-jogging ng paakyat partikular sa maasim, sarangani, na kaniyang ginawa.
Hindi naman daw nababahala si Pacquiao kahit pa may martial law sa Mindanao habang nasa kalagitnaan ito ng training sa kanyang wild card gym.
Inihayagdin ng pambasang kamao na magiging mabigat na ang kaniyang training sa nalalabing tatlong linggo nito sa gensan na sakto lamang para marating ang 100 percent na kondisyon bago lumipad patungong Australia.

DZXL558

Facebook Comments