Maliban sa boxing, kinahihiligan din ni Manny Pacquiao ang paglalaro ng basketball.
Magugunitang first draft pick ng Kia si Pacquiao sa pagpasok nito sa PBA noong 2014 at nagsilbing playing coach hanggang 2017. Nagtala rin ito ng career-high na four points laban sa Blackwater Elite sa 2016 PBA Commissioner Cup.
Matapos magretiro sa PBA, inilunsad ni Pacman ang semi-professional league na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) noong Agosto 29, 2017.
Kaya naman sinagot ni Pacman ang katanungan ng TMZSports.com, isang international sports website, kung may posibilidad bang maging part owner or investor siya ng isang koponan sa National Basketball Association (NBA).
Manny Pacquiao Wants to Buy NBA Team After Boxing Career
Play video content Exclusive TMZSports.com Manny Pacquiao says he wants to fight until he’s 45 years old … and when he retires, the boxing star tells TMZ Sports he will seriously consider buying an NBA franchise.
Ayon sa Pambansang Kamao, “I’m thinking about that. Actually I already own a league in the Philippines. MPBL you can google it. I love basketball also.”
Ani senador, kinukunsidera niya ang planong pagbili ng NBA franchise kapag tuluyang nag-retiro.
Naganap ang panayam isang araw bago niya patumbahin si Keith Thurman.