Manny Pacquiao, sasabak sa Hollywood movie

426
via Inspire Studios

Bibida sa bagong Hollywood movie na may temang giyera si Senador Manny Pacquiao, ayon mismo sa chief executive officer ng producer na Inspire Studios.

Gaganap si Pacquiao bilang si Col. Macario Peralta na nanguna sa mga gerilya laban sa mga Hapon sa Panay Island noong World War II.


Hango ang pelikulang “Freedom Fighters” sa librong “Guerilla Wife” na isinulat ni Louise Reid Spencer, Amerikanong bahagi ng komunidad na “Hopevale” noong giyera.

Official movie poster by Inspire Studios

Binubuo ang nasabing komunidad ng grupo ng mga Amerikanong nanatili sa Pilipinas para tulungan ang hukbo ni Peralta.

Nakatakdang simulan ng Inspire Studios, kasama ang isa pang bigating studio sa US, ang pelikula sa 2020.

Pinag-uusapan pa ang ibang artistang mapapasama sa pelikula, ayon sa pahayag ng CEO ng studio na si Francis Ho.

Facebook Comments

From Advertisers