Video ng umano’y away ng Barretto sisters sa burol ng ama, inilabas ni Gretchen

41741

Kaagad bumuwelta si Gretchen Barretto sa pahayag ng nakababatang kapatid na si Marjorie tungkol sa nangyaring tensyon sa burol mismo ng kanilang ama na si Miguel noong Miyerkules ng gabi.

Isinapubliko ni Gretchen, Biyernes ng hapon, ang video nang umano’y naganap na kaguluhan, kung saan dawit pa ang isang kapatid na si Claudine at ilang kaanak nila.


Sa bidyong ibinahagi ng aktres sa Instagram, mapapansin may nagkukumpulang tao at maririnig ang mga salitang “awatin mo” at “konting respeto”.

 

View this post on Instagram

 

Quoting Marjorie Baldivia este’Echiverrie 🙏WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE TRUTH & NOTHING BUT THE TRUTH🙏ITS A BITTERSWEET FEELING THAT YOU, truly for the first time speak the Truth, IN OTHER WORDS , I AM GRATEFUL for WE WILL ALL WAIT FOR THAT TIME( heres a video that was forwarded to me by @marisol0125 MY TRUTH . This video IS NOT FAKE NEWS AS BEING CLAIMED by Marjorie Baldivia Echiverrie. ( FYI MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK .YOUR THREAT TO SUE ME FOR LIBEL ? I PLEAD NO ,IM SCARED…. 🙏AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY ( like you say ) YES HE IS POWERFUL ( in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY ,ICountless corruption cases i was told, NOT TO MENTION, NUMEROUS MOLESTATION CASES , AM I CORRECT? I WAS INFORMED THAT @claubarretto WILL FILE A MOLESTATION CASE AGAINST YOUR POWERFUL BOYFRIEND.( ONLY REQUEST OF @claubarretto IS FOR HIM TO NOT BE IN THE WAKE DUE TO TRAUMA 🙏

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Dinig din sa background ang pagbagsak ng ilang siya at tila sagutan ng dalawang babae.

Meron naman lalaking sumisigaw at nagsasabing “Susugurin mo ko? Wala kang respeto?”

Bahagyang nahagip ng camera si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang bodyguard na animo’y umaawat sa nangyayaring tension.

Hindi mismo nakita sa video ang aktwal na komprontasyon at sakitan nina Marjorie, Claudine, at Gretchen.

Nakasaad sa caption ng nakatatandang Barretto na ipinasa sa kaniya ng isang nakikiramay ang naturang video.

Ayon pa kay Gretchen, tiniyak ng kanilang ina na magsasalita siya kung anong dahilan ng hidwaan ng magkakapatid.

Facebook Comments

From Advertisers