Tumaas ng 20% ang demand ng manok dahil sa takot ng mga mamimili sa pagbili ng karneng baboy dulot ng African Swine Fever.
Pero ayon sa United Broilers Raisers Association (UBRA), sinisikap nilang ipako sa 110 hanggang 115 Pesos ang Farmgate Price ng manok para nasa 165 Pesos na lang ang Presyo nito sa mga palengke.
Pagtitiyak pa ni Rosendo So, Chairperson ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), hindi na tataas ang preso ng manok, baboy at itlog lalo na at papalapit na ang kapaskuhan.
Giit naman ng mga nagtitinda ng manok, malulugi sila kapag binaba ang presyo ng manok.
Samantala, mababa ang Farmgate Price ng baboy na nasa 60 hanggang 80 Pesos kada kilo.
Facebook Comments