Manila, Philippines – Tumangging magkomento si Vice President Leni Robredo sa ulat na 5,000 boto nawala sa kanya kasabay ng manual recount ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa 2016 vice presidential elections.
Ayon kay Robredo, hindi siya maaring magbigay ng pahayag dahil umiiral ang gag order na inilabas ng Korte Suprema na tumatayong PET.
Aminado ang bise na maraming silang concern sa recount pero hindi nila pwede itong ilahad.
Sa ngayon, patuloy pang binibilang ng high tribunal ang higit 5,800 clustered presincts mula sa ipinoprotestang pilot provinces ni dating Senador Bongbong Marcos sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Facebook Comments