Cauayan City, Isabela- Nasunog ang bahagyang bahagi ng isang poultry pasado alas 7:00 kagabi sa barangay Sta Victoria, City of Ilagan, Isabela.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Fire Inspector Angel Diquiatco Jr, Ilagan City Fire Marshall, matapos matanggap ang impormasyon kaugnay sa nangyayaring suno ay agad nila itong tinugunan kaya’t agad rin na naapula ang sunog at idineklarang fire out na ang sunog dakong alas 8:20 kagabi.
Ayon kay Inspector Diquiatco Jr, wala namang naitalang nasugatan o casualty sa nangyaring sunog.
Electrical short circuit ang kanilang nakikitang sanhi ng sunog base na rin sa isinagawang pagsisiyasat ng mga imbestigador.
Kaugnay nito, kanyang pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat, suriing mabuti ang mga gamit sa bahay, iwasan ang octopus connection at tiyaking nakasara ang LPG Tank upang makaiwas sa posibleng insidente ng sunog.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pakikipagtulungan ng pamunuan ng BFP Ilagan City sa pagsasagawa ng disinfection sa mga establisyimento at pamilihan upang mapigilan ang posibleng pagkalat ng virus.