MANUNUMPA | Mga bagong pinuno ng PNP at AFP, sabay na manunumpa ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Sabay na manunumpa ang mga bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippine (AFP) sa April 18.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, manunumpa sa nasabing petsa si Outgoing NCRPO Chief Oscar Albayalde bilang bagong PNP chief at si Western Mindanao Command Lieutenant General Carlito Galvez.

Papalitan ni Albayalde si outgoing PNP Chief Ronald Dela Rosa na hanggang April 14 na lang ang paninilbihan bilang pinuno ng pambansang pulisya.


Si Galvez naman na overall commander sa Marawi siege ang papalit kay AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero na magreretiro na.

Facebook Comments