MAPANGANIB | FDA, nagbabala sa pagbili at pagbebenta ng limang food supplements

Manila, Philippines – Nagbabala ngayon sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa pagbili at pagbebenta ng limang hindi rehistradong food supplements.

Ayon sa FDA, posibleng maging mapanganib sa kalusugan ang mga hindi rehistradong produkto dahil hindi tiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Partikular na tinukoy ng FDA ang mga sumusunod na produkto:
· Living Nutrition Buah Merah Miracle Red Fruit Food Supplement
· Ultimate Herbs Turmeric Luyang Dilaw Capsule
· Ultimate Herbs Activated Charcoal Capsule
· Ultimate Herbs Guyabano ‘Soursop’ Capsule
· Ultimate Herbs Mangosteen Capsule


Muli din nagpaalala ang FDA na maging mapanuri sa mga produkto na maaaring hindi rehistrado sa kanilang ahensiya.

Pinakikilos naman na ng FDA ang lahat ng ahensya ng gobyerno para masigurong hindi na mabebenta ang mga produktong ito sa ilang mga lugar.

Facebook Comments