Naitala sa labing siyam na lugar sa bansa ang ‘dangerous level’ na heat index kahapon.
Sa datos ng PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Guiuan, Eastern Samar na umabot sa 49.6 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.Maituturing sa ‘dangerous level’ kung aabot ang heat index mula 41 hanggang 54 degrees Celsius.
Narito ang naitalang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Ambulong, Batangas (47.3 degrees Celsius)
– Baler (Radar), Aurora (41.6 degrees Celsius)
– Borongan, Eastern Samar (41 degrees Celsius)
– Casiguran, Aurora (41.6 degrees Celsius)
– Cuyo, Palawan (42.3 degrees Celsius)
– Daet, Camarines Norte (42.6 degrees Celsius)
– Dagupan City, Pangasinan (45.8 degrees Celsius)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (42.3 degrees Celsius)
– Iba, Zambales (41 degrees Celsius)
– Legazpi City, Albay (43.4 degrees Celsius)
– Masbate City, Masbate (41.2 degrees Celsius)
– NAIA Pasay City, Metro Manila (42.1 degrees Celsius)
– Roxas City, Capiz (42.4 degrees Celsius)
– San Jose City, Occidental Mindoro (42.1 degrees Celsius)
– Sangley Point, Cavite (43.4 degrees Celsius)
– Surigao City, Surigao del Norte (41.5 degrees Celsius)
– Virac, Catanduanes (43.9 degrees Celsius)
– Zamboanga City, Zamboanga del Sur (41.2 degrees Celsius)
Nagbabala naman ang PAGASA sa publiko ukol sa panganib na dulot ng matinding init tulad na lang ng heat stroke.