MAPAYAPA | Barangay at SK election sa QC, generally peaceful – Ayon kay Mayor Herbert Bautista

Manila, Philippines – Inihayag ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na pangkahalatang mapayapa ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Mayor Bautista na malaki ang improvement na naibaba sa isa mula sa dating pito ang mga barangay na isinailalim sa hotspots.

Nakatutok si Bautista sa proseso ng botohan. Sa katunayan, ipinagkaloob ng city government ang mga logistical support sa Commission on Elections at sa QC Police District.


Nagtatag rin ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ng mga command posts at first aid stations sa anim na distrito ng QC.

Facebook Comments