MAHIGPIT NA SEGURIDAD | Mga botante sa Maharlika Elementary School, Taguig City, kinakapkapan muna bago makaboto

Manila, Philippines – Bago makaboto dadaan muna sa mahigpit na seguridad ang mga bumuboto sa Maharlika elementary school, taguig city

Kinakapkapan at pinatatanggal ang sumbrero at shades ng mga papasok sa nasabing polling centre.

Bukod dito mahigpit ding ipinagbabawal ng mga otoridad ang pagdadala ng mga ballpen na may naka-imprentang pangalan ng kandidato.


Sa entrada pa lamang ng paaralan, pinaiiwan ang mga ballpen o di naman kaya ay tinatanggal ang sticker ng pangalan ng kandidato na nakalagay sa ballpen ng botante na ipinamimigay sa labas ng maharlika elem school.

Nakakalat din ang mga tauhan ng SPD at AFP sa lugar dahil matindi ang tunggalian ng mga kandidato sa pambarangay na halalan sa Maharlika, Taguig.

Mahigpit ding binabantayan ng SPD ang South Signal, Central Signal at South Daang Hari.

Kaninang umaga isang driver ang inaresto sa Upper Bicutan Taguig dahil sa vote buying.

Pero maliban dito nananatiling ligtas at payapa ang sitwasyon sa nabanggit na lugar.

Facebook Comments